100 pang OFWs mula sa Libya, Nakatakdang Dumating sa Phl

LAOAG CITY – Umaabot ng 100 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Libya ang nakahanda nang umuwi sa Pilipinas ngayong araw.

 Ayon kay Father Allan Jose ng San Francesco Church sa Tripoli, Libya ang mga naturang OFWs ay sinamantala ang naka-schedule na repatriation program ng embahada.

 Aniya, bago tumulak ang grupo sa Tunisian border ay isang misa ang isinagawa sa mismong Philippine Embassy kung saan nakibahagi din sila sa paglalagay ng abo sa noo bilang hudyat ng nalalapit na Lenten season.

 Matatandaang sa mga nakaraang buwan ay maraming OFWs ang nagpahiwatig ng kanilang kagustuhang makauwi na sa bansa matapos ang serye ng pang-aatake ng mga rebelde kung saan ang pinakahuling insidente na kinasangkutan ng mga OFWs ay ang pagkadukot sa tatlong Pinoy na nagtatrabaho sa Mabruk Oil Field.

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker