21 Nurse na Biktima ng Contract Substitution sa Kuwait, Pauwi na
Pauwi na sa Pilipinas ngayong Martes ang 21 nurse na nawalan ng trabaho sa Kuwait.
Biktima umano sila ng “contract substitution” dahil hindi sinunod ng kumpanya sa Kuwait ang kanilang kontrata.
Sa halip na nurse ang ginamapnan nilang trabaho, ginawa umano silang caregiver at nursing assistant.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office, sinuspinde na ang kumpanya.
Nagsampa na rin ng kaso ang abugado ng mga nurse sa Pilipinas laban sa homecare company at sa mga recruitment agency na nag-deploy sa kanila.