5 na ang Patay na Pinoy sa Paglubog ng Korean Vessel – DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na limang Pinoy na ang napabilang sa 27 mga crewmembers na namatay sa paglubog ng South Korean fishing vessel sa karagatang malapit sa Russia noong December 1, 2014.
Sa kabila nito ay 26 pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap sa lumubog na Oryong 510 trawler at lima pa sa mga ito ay mga Pinoy.
Kabuuang 13 na mga Pilipino ang nakasama sa 60 crews ng naturang barko nang ito ay lumubog.
7 sa mga crews ang kaagad na narescue at kabilang dito ang tatlong mga Pinoy.
Ayon kay DFA spokesperson Undersecretary Charles Jose, sa ngayon ay inaasikaso na nila ang repatriation ng mga nakaligtas sa naturang insidente.