62-Anyos na OFW na Balik Ph mula Africa, Mino-monitor ng DOH
CEBU CITY – Isinailalim ngayon sa close monitoring ng Department of Health (DOH)-7 ang isang overseas Filipino worker (OFW) na galing sa Sierra Leone, West Africa.
Sa media briefing, sinabi ni DOH-7 Regional Epidemiology and Surveillance Unit chief Dr. Dino Caing na ang nasabing 62-anyos na OFW ay nasa government facility sa Cebu.
Inamin ni Caing na may hawak na certificate of quarantine mula West Africa ang umuwing Pinoy worker ngunit isinailalim pa rin nila ito sa Person Under Investigation o PUI matapos walang nakitang sintomas ng Ebola.
Napag-alaman na umuwi ito sa Cebu para magdiwang ng kapaskuhan kasama ang pamilya ngunit posibleng hindi ito matuloy dahil kinakailangang ilalagay siya sa qaurantine.
Pero nilinaw ng DOH-7 sa OFW na kapag walang sintomas na makita ang mga health officers ay posibleng hindi na kukumpletuhin nito ang 21 days na mandatory quarantine.
Ang nasabing OFW ay isang mining engineer na nagtatrabaho sa Sierra Leone.