BI Maghihigpit na sa mga Backdoor ng Bansa Vs Talamak na Human Trafficking

By  Jerald Ulep

Dahil sa mga naitatalang biktima ng human trafficking na idinadaan sa mga backdoor ng bansa ay magdaragdag na ng tauhan ang Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, partikular na babantayan ng BI ang mga sinasabing backdoor sa Palawan at Mindanao.

Ito umano ang ginagamit ng ilan para ipuslit palabas ng bansa ang mga biktima ng human trafficking.

Sinabi ni Morente na dinadala muna ang mga biktimang Pinoy sa Malaysia bago dalhin sa kanilang mga destinasyon gaya ng Middle East at iba pang bansa kung saan sila magtatrabaho bilang kasambahay at sinasahuran ng mababa.

Sa ngayon, inatasan na ng BI ang kanilang mga tauhan na makipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa border security operations kabilang na ang Philippine Coast Guard (PCG), Police Maritime Group at Philippine Navy.

Maalalang noong nakaraang buwan ay nasa 33 Pinoy workers ang nailigtas ng PNP at Navy sa Tawi-Tawi.

Ang mga biktima ng sinasabing human trafficking ay dadalhin na sana sa Zamboanga bago tumulak sa bansang Malaysia.

 

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker