Libya Update

Sa kabila ng naunang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na barko ang sasakyan ng mga lilikas pa na mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kadahilanan na hindi naman napupuno ang barko ng 1,500 na pasahero, ay magpapadala ulit ng barko ang Philippine Rapid Response Team (RRT) sa Libya upang ilikas ang 1,000 Filipinos.

Ayon kay Consul General Leila Lora-Santos ng Embahada ng Pilipinas sa Roma, ang arkiladong barko ay magmumula sa Timog Europa. Una nitong pupuntahan ang Benghazi port at saka dadaan sa iba pang lugar. Wala detalye kung saan pa ito dadaong bago tumungo ng Malta.

 (Mula sa: Pilipino Mirror – Agosto 31, 2014)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker