Maraming Pinoy sa Singapore Umaangal na sa Lumalalang Haze Galing Indonesia

By  Bombo Radyo Vigan

VIGAN CITY — Sakit sa ulo, pagkahilo at bigat ng dibdib ang dinaranas ngayon ng maraming Pinoy sa bansang Singapore dahil sa epekto ng haze na nanggagaling sa Sumatra, Indonesia bunsod ng forest fires.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo kay Elma Reyes ng Tanjong Rhu Road, Singapore, sinabi nito na bagama’t nakasara ang bintana at pintuan ng mga kabahayan sa kanilang lugar, nalalanghap pa rin nila ang masangsang na amoy dulot ng makapal at maitim na usok.

Idinagdag pa ni Reyes na ilan sa mga lugar na lalong apektado ay sa Sembawang at Punggol, Singapore.

Base sa ulat mula sa Singapore’s National Environment Agency, ang Pollutant Standards Index (PSI) kahapon ay umabot sa 165 na ibig sabihin ay nasa “unhealthy level” ang hangin kaya paalala ng mg a otoridad na iwasan muna ang paglabas ng mga tahanan.

 

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker