OFWs sa Libya Inalerto dahil sa muling Pagsiklab ng Labanan sa mga Oil Fields

LAOAG CITY – Muling inalerto ni Father Allan Jose ng Catholic church sa Benghazi, Libya ang mga kapwa Pinoy sa naturang lugar matapos sumiklab ang bakbakan ng mga naglalabang puwersa ng mga rebelde.

Ayon sa posting ni Fr. Allan sa kanyang Facebook account at sa OFW in Libya News Alert, pinaalalahanan niya ang mga kababayan sa lugar na maging alerto at mapagmasid matapos sumiklab ang kaguluhan sa Waha oil fields sa Sidra kung saan pilit na inilikas ang mga expats papuntang Tripoli.

Ganon din ang nangyari sa Harouge kung saan inilikas din ang mga tao sa Ras Lanuf at mga expats sa Ghani oil fields at dinala sila sa Amal.

Inalerto ni Father Allan ang mga Pinoy na kung may kilala silang mga OFWs sa mga nasabing lugar ay kontakin ang mga ito upang sila’y matulungan.

Nabatid na dahil sa pagsiklab ng panibagong bakbakan kahapon, lalo na ang nangyaring airstrikes ay nagsara ang pinakamalaking oil export port ng Libya sa Eastern Es Sider kung saan pinaniniwalaang may ilang Pinoy na nagtratrabaho doon.

(Source: Bombo Laoag)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker