OFWs sa Libya ‘TENSE’ re: Egypt Air Strikes vs ISIS

2015-0220 OFWs sa Libya 'TENSE' re Egypt Air Strikes vs ISIS

LAOAG CITY – Dinoble pa ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya ang kanilang pag-iingat matapos simulan ng bansang Egypt ang pagganti laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) militants na dumukot at pumatay sa ilang Egyptian Christians.

 Ayon sa OFW na si Rod Foz, kahapon ng madaling araw ay sinimulan ng Egyptian Air Force ang pag-atake sa Derna na isa sa mga pangunahing lugar ng mga militia na naghahasik ng kaguluhan sa naturang bansa.

 Aniya pinayuhan sila na iwasan munang lumabas sa kanilang mga tinitirhan kung wala namang mahalagang lakad.

 Sinabi ni Foz na patuloy ang pagmo-monitor sa kanila ng mga kasapi ng embahada sa pamumuno ni charge d’ affaires Angelito Cruz.

 Patuloy din ang repatriation program ng embahada para sa mga OFWs na gusto nang umuwi dito sa bansa.

 Nabatid na may mga Pinoy workers na magtatapos na ang mga kontrata sa buwan ng Abril at ilan sa mga ito ang nagpahiwatig ng kagustuhang makauwi na.

 Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang balita hinggil sa tatlong Pinoy na dinukot ng mga rebeldeng Libyans mula sa Mabruk Oil Field.

(Source: Bombo Laoag)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker