Pinay, Natagpuang Patay sa Lebanon

By  Bombo Butuan Posted in Latest News Saturday, 04 July 2015 23:35

BUTUAN CITY – Kahit nasa Beirut, Lebanon, idinulog ng overseas Filipino worker (OFW) na si Marilou Ilasos na taga-Maynila at caregiver sa Lebanon upang magpatulong makaraang makumpirma ang natanggap nitong balita na isang Pinay umano ang ginahasa at patay.

Ito ay makaraang mabalitaan niya na natagpuan na lang na wala ng buhay sa Sanaye Park sa Beirut ang biktimang nagngangalang si Ofelia Lisales, na taga-Bangued, Abra.

Nagdesisyon si Ilasos na idulog sa himpilan ng Bombo Radyo Butuan ang nangyari dahil hindi siya makakalabas sa bahay ng kanyang amo kahit na 30-minuto lang ang layo ng lugar kung saan natagpuan umano ang biktima, mula sa kanyang kinaroroonan.

Nakipag-chat na rin siya sa kanyang mga kakilala sa nasabing bansa upang matulungang makumpirma ang nasabing balita o kaya’y mapaabot man lang sa Philippine Embassy sa Beirut gayundin sa pamilya ng posibleng biktima.

Sa ngayon nakahimlay umano ang bangkay ng OFW sa Ashrafye morgue.

Inaantay lang ni Ilasos na makaalis ang kanyang amo upang personal na ma-check ang nasabing balita.

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker