Rescue Operations sa Italy, Pahirapan pa rin – OFW

By  Bombo Bacolod

BACOLOD CITY – Pahirapan pa rin ang nagpapatuloy na search and rescue operations sa pinangyarihan ng 6.2 magnitude na lindol sa bansang Italy noong Miyerkules.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jeff Lagos, tubong Talisay City, Negros Occidental at nakabase na ngayon sa Rome, Italy, mano-mano ang pagsasagawa ng search and rescue operations sa Amatrice na naging sentro ng pagyanig.

Bunsod ito ng pagkasara ng mga daanan at tulay papasok ng Amatrice dahil natabunan ng mga semento mula sa gumuhong kabahayan at mga gusali.

Sa kabila ng hirap ay buhay pa rin ang pag-asa ng mga rescuers na may mga buhay pa sa loob ng nawasak na mga gusali.

Samantala, kahit ang Rome ay dalawang oras na biyahe ang layo mula a Amatrice ay dama pa rin nina Lagos at iba pang Pinoy ang pagyanig subalit sa mas mahinang magnitude tulad ng 3.5.

 

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker