6 Pinoy, Hawak pa rin ng mga Otoridad sa Israel re: Pinaigting na ‘No Visa, No Work’

LA UNION – Mas marami na umano sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang umiiwas sa iba’t ibang lugar sa Israel dahil sa takot na mahuli ng mga immigration officers ng nasabing bansa.

Ito’y matapos arestuhin noong nakaraang linggo ang anim na mga Pinoy na ngayon ay hawak pa rin ng mga otoridad dahil sa kawalan ng kanilang working visa at expired nang passport.

 Ayon kay Monina Avraham na nasa Tel Aviv, halos lahat umano ng lugar doon partikular sa Takana Markazit, ay may mga immigration officer na nakasibilyan upang usisain ang visa at pasaporte ng mga foreign workers dahil sa pinaigting na “no visa, no work” policy ng bansa.

 Kahit umano mga mall ay pinapasok na rin ng mga ito at sinisita ang mga nagtatrabahong dayuhan.

Dahil dito, sinabi ni Avraham na karamihan na sa mga kababayang nasa Israel ay nananatili na lang sa loob ng kanilang bahay, dahil maliban sa terror attack ay iwas na rin sila na makulong.

(Source: Bombo La Union)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker