86 pang Distressed OFW’s sa Saudi Nabigyan ng Financial Assistance ng OWWA
By Bombo Radyo Tuguegarao
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Umaabot na sa P3.2 milyon ang naipamahagi ng Overseas Welfare and Woirkers Administration (OWWA-2) sa mga distress at na-stranded na mga OFW sa Saudi Arabia na nawalan ng trabaho.
Ayon kay Robert Bassig, regional firector ng OWWA sa rehiyon, nasa 86 na mga OFW’s na ang nabigyan ng tig-P20,000 habang dalawang daan at apat naput apat na pamilya nila ang nakatanggap naman ng tig-P6,000.
Sinabi ni Bassig na halos isang taong hindi tumanggap ng kanilang sahod ang mga OFW na kanilang binigyan ng financial assistance.
Una rito, siyam na kompaniya sa Saudi ang napilitang huminto sa operasyon at magsara dulot ng paghina ng ekonomiya ng naturang bansa dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis.
Inabisuhan naman nito ang mga nagnanais pumunta at magtrabaho sa Saudi Arabia na iwasan muna ang mga kumpanyang Saudi Bin Ladden Group of Companies, Saudi over Ltd., Muhamed al Mujill Group, Mohammad Hameed Al-Bargash & Bros. Trading & Construction Company, ALUMCO L.L.C, Rajeh H. Al Merri Contracting and Trading Company, Fawzi Salah Al- Nairani Contracting Company, Arabtech Construction LLC at Real Estate Development and Investment Company.
(Source: BomboRadyo.com)