Bird Flu Outbreak sa Canada
Higit pang lumawak ang epekto ng bird flu sa bansang Canada matapos maitala na maraming bilang ng mga manok ang nakitaan ng nasabing virus.
Ayon sa ulat ng Agence France Presse, pinalawak pa ng Canada ang quarantine sa mga poultry farms sa mga lalawigan sa British Columbia dahil sa kumalat pa ang outbreak ng bird flu.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa walong mga farms ang nakumpirmang may outbreak ng H5N2 habang may isa pang farm ang minomonitor.
Dahil sa bird flu, ilang bansa na kabilang ang Estado Unidos ang nagsuspinde ng import ng manok at itlog sa nasabing bansa.