‘Dahil sa Recession sa Italya, Marami nang Umuuwing Pinoy – OFW

VIGAN CITY – Nahihirapan na ngayon ang maraming Pinoy sa Italya dahil sa recession.

 Ayon kay Mrs. Joan Domaoa Onnis, taga Burgos, Ilocos Sur ngunit matagal nang naninirahan sa Italya, maraming mga Pinoy ang umuuwi sa Pilipinas dahil wala silang mahanapan na trabaho, maging ang mga kararating na asawa ng mga Pinoy na nandoon na ay karamihan pa rin ang mga walang trabaho.

 Idinagdag pa ni ni Onnis na may mga nahahanap ring trabaho nguni’t karamihan ay limitado ang oras o hindi kaya ay temporaryo lamang.

 Aniya, siyam na buwan nang mababa ang ekonomiya ng Italya mula first quarter hanggang third quarter sa taong ito.

 Samantala, umaasa pa rin ang mga OFWs na babalik din ang dating sigla ng ekonomiya ng bangsang Italya para hindi mahirapan sa paghanap ng trabaho lalo na ang mga bagong saltang Pinoy.

(Source: Bombo Vigan)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker