Labi ng OFW sa Saudi Nakauwi na sa Phl sa Pamamagitan ng Bombo Koronadal

By  Bombo Koronadal Posted in Latest News Saturday, 21 May 2016 13:04

KORONADAL CITY – Sa kabila ng lungkot na nararamdaman dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa Saudi Arabia, mayroon pa rin kahit papaano na kaligayahan ang nararamdaman si Gng. Janeth Mendiola, residente ng Santo Niño, South Cotabato dahil kapiling niya na ngayon ito kahit wala ng buhay.

Ayon kay Janeth, araw ng Linggo, alas-8:45 ng umaga ng dumating sa GenSan airport ang bangkay ng kanyang asawang si Romeo Mendiola.

Nagpasalamat naman ito sa Bombo Radyo Koronadal dahil sa ginawang tulong para sa pagpapabilis nang proseso sa pagpapauwi ng bangkay nito.

 

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker