Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa ‘Reporter’s Notebook’

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'2

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'3

BACK TO BACK HONG KONG SPECIAL
SIMULA NA NGAYONG NOVEMBER 26

Bilang pagdiriwang sa mahigit isang dekadang pagbabantay sa mga isyu ng lipunan, hatid ng Reporter’s Notebook, isa sa pinakapinarangalan at longest running investigative program sa telebisyon, ang dalawang natatanging ulat tungkol sa mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Hong Kong. Sa unang bahagi, tunghayan ang kwento ng ilang OFW na sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na cancer ay nagtatrabaho pa rin bilang mga household helper.

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'4

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'5

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'6

Hirap makalakad at namimilipit sa sakit, ganito namin naabutan si Tessie habang papunta sa Central Park sa Hong Kong. Mahigit dalawampung taon nang OFW si Tessie. Agosto ng taong ito nang matuklasang may Stage 3 colon cancer siya. Pero sa kabila ng karamdaman, tuloy siya sa pagtatrabaho. Habang may kontrata kasi siya sa Hong Kong ay hawak din niya ang kanyang Hong Kong ID. Sa pamamagitan nito ay nakukuha niya ang chemotherapy at iba pang gamutan sa mas mababang halaga. Sa Pilipinas, nasa dalawampu hanggang limampung libong piso ang halaga ng chemotherapy package. Pero sa Hong Kong, mahigit limang daang piso lang ang katumbas ng binabayaran ni Tessie.

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'7

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'8

2015-1118! Mga OFW na Patuloy na Nagtatrabaho sa Kabila ng Sakit na Cancer, Tampok sa 'Reporter's Notebook'9

Stage 4 ovarian cancer naman ang iniinda ngayon ng isa pang OFW na si Rose. Gaya ni Tessie, pinili ni Rose na manatili at maghanapbuhay sa Hong Kong para lang makapagpatuloy sa kanyang chemotherapy. Ayon sa kanya, kapag umuwi raw kasi siya Pilipinas, bukod sa walang perang pangsuporta sa kanyang dalawang anak ay wala rin naman siyang gagastusin sa mahal na gamutan.

Tinitiis na nga nila ang malayo sa pamilya, tinitiis rin nila ang sakit na dulot ng karamdaman. Bakit sa ibang bansa pa nila nakukuha ang kalingang kinakailangan nila? May programa ba ang pamahalaan para sa mga gaya nilang tinatawag na bagong bayani pero bihag ng karamdaman?

Huwag palalampasin ang Back to Back Hong Kong Special ng 2015 New York Festivals Bronze World Medalist, Reporter’s Notebook simula Huwebes, November 26, 5:20 ng hapon pagkatapos ng Destiny Rose.

 

(Source: GMAnetwork.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker