OFW Todo Pasalamat na ‘Di Nadamay sa Shooting Spree sa Mall sa Israel

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Thursday, 09 June 2016 13:51

BACOLOD CITY – Labis ang pasasalamat nang isang OFW na mula sa Bago City, Negros Occidental na hindi natuloy ang pagpunta nito sa mall sa Tel Aviv, Israel kung saan nangyari ang shooting spree kagabi.

Ayon kay Leizel Sieton, may plano sana itong pumunta sa mall malapit sa Sarona Market kung saan nangyari ang pamamaril ngunit tinamad ito at nagkaton pa na medyo sumama ang pakiramdam ng kaniyang inaalagaan kay ipinagpaliban na lamang nito ang unang plano.

Napag-alaman na 15 minuto lamang ang biyahe nito mula sa kaniyang tintuluyan papunta sa pinangyarihan nang insidente kung saan apat ang patay at siyam ang sugatan.

Aniya, nag-disguise ang dalawang suspek sa pamamagitan ng pagsuot ng attire na katulad ng Orthodox Jewish at pumasok sa lugar at saka nagpaulan ng putok gamit ang baril.

Isa umano sa natamaan ay ang 4-year old na batang babae.

Ang Sarona Market ay nasa tapat ng isang malaking mall kung saan maraming tao ang pumpunta at sa gilid nito ay ang isang military base.

 

(Source: BomboRadyo.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker