Mga Pinoy sa Qatar, Nananatiling Kalmado Pero Alerto

Maxxy Santiago at Ardee de Leon, ABS-CBN Middle East News Bureau

DOHA, Qatar – Nananatiling kalmado ang mga Pilipino sa Qatar bagama’t nagkaroon ng panic buying sa ilang supermarkets, wala naman anilang dapat ikabahala matapos na putulin ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates, Egypt, Yemen, Libya at Maldives ang kanilang ugnayan sa bansa dahil umano sa pagsuporta ng huli sa mga terorista.

Nadatnan ng ABS-CBN News ang mag-asawang Howard at Precious Ladan sa labas ng isang supermarket sa Doha.

“Ang feeling ko, nagkaroon ako ng anxiety bigla. Alam mo yung stress naghalo-halo pati sa work. Hindi mo akalain na mangyayari yon,” pahayag ni Precious.

Dahil sa diplomatic crisis, sarado na ang Saudi-Qatar border kung saan dumaraan ang 40 percent ng food supply ng Qatar mula sa mga karating bansa sa gitnang silangan.

“Pero actually ngayon nag grocery kami, akala namin normal lang pero nalaman ko out of stocks na yong ibang groceries, like chickens, fresh milk at saka eggs so somehow parang may hindi tama, pero hopefully sana maayos,” dagdag niya.

Sa kabila nito, marami pa ring Pilipino sa Qatar ang nananatiling kalmado.

“Kung uunahin mo yong kaba mo, magpa-panic ka katulad sa nangyayari ngayon marami ang nag panic na bumili ng mga pagkain. Pero dapat kasi kalma lang tayo. Medyo kasi kung susugod ka rin doon baka magkagulo din,” sabi ni Mia Badillo dela Cruz.

Naniniwala ang mga Pinoy na malalagpasan ng Qatar ang diplomatic crisis na ito.

“Merong nakalaan na pagkain pero siguro sa darating na araw doon magkakaproblema pero kaya naman i-handle ng Qatar yan kasi mayaman na bansa sila,” dagdag ni dela Cruz.

Suspendido na ang mga flight ng Etihad Airways, Emirates Airlines, Fly Dubai, Air Arabia, Saudia Airlines at Gulf Air patungong Doha.

Naglabas na ng advisory ang Philippine embassy sa Qatar sa mga Pinoy na bibiyahe na makipag-ugnayan agad sa kanilang mga travel agent para di maantala, manatiling kalmado at patuloy na i-minotor ang sitwasyon.

“Sa ngayon, huwag po muna tayong masyadong mag-alala. Maging handa lang muna tayo sa mga dapat mangyayari sa mga susunod,” ani dela Cruz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

(Source: ABS-CBN.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker